"Putok ka sa buho",galing sa mga mapanghusgang bibig ng mga walang magawa. Pinatutunguhan nila ang mga batang kung hindi ampon ay walang magulang. Pero lahat tayo ay may pinaggalingan kahit nawala man sila o nahiwalay sila sa'yo. Kahit iniwan o ipinagbili ka nila hindi matutumbasan ang halaga nila sa'yo.
May kilala akong taong galit sa kanyang mga magulang dahil daw lagi siyang sinasaktan. Halos gawin siyang katulong pero hindi natin masasabing hindi siya mahal ng kanyang pamilya dahil nananatiling sila ang nagpalaki sa kanya at sila ang humulma ng kanyang pagkatao.Mapalad pa rin siya dahil buo ang kanyang pamilya, kilala niya ang mga taong pinanggalingan niya. Ang iba diyan nagpapanggap na masaya, pero "broken family", mas mabuti pa rin nakakasama mo sila kaysa halos mamatay ka sa pangungulila sa kanila.
Sa nga taong nabibilang sa buong pamilya nawa'y matutunan nating pahalagahan ang bawat isa sa kanila. Huwag na nating hintaying mabuwag pa ang inyong pamilya bago ka gumawa ng AKSYON.
Renalyn Caluag
IV-Diamond

No comments:
Post a Comment