Hindi normal kung sila'y bansagan, ngunit ang bansag na it'y nagbigay pakahulugan upang ipakitang mali ang imaheng nakikita ng kanilang paningin ukol sa kanila. Ang bawat isa'y mayroong nais patunayan hindi lamang pansarili kundi pati rin sa iba. Marami tayong nais baguhin sa daloy ng ating pamamalagi rito sa daigdig, tulad ng makalikha ng isang kasaysayan o makatala ng isang bagay na hindi makakalimutan at sadyang tatatak sa isip ng lahat.
Sila'y hindi dapat ikahiya o tawaging salot sa lipunan dahil sa sinasabing wala silang kayang gawin o silbi at pasakit na ating pasan-pasan hangga't sila'y nabubuhay. Ito'y isang maling pananaw ukol sa kanilang kalagayan,sapagkat kung atin lamang patutuonan ng atensyonang tulad nila'y malalaman nating mali ang tingin natin sa kanila. Ang pag-aakalang hindi magagawa ng isang bulag,pipi,pilay, o isang taong may kapansanan ang mga bagay na ngagawa ng isang normal na tao. Ngunit,ano nga ba ang pakinabang ng isang tulad nila sa ating lipunan?
Malaki ang potensyal sa ating bansa. Sila'y nagbibigay karangalan sa ating mahal na bayan sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang kakayahang taglay o talentong kaloob ng Maykapal. Tunay na sila'y nakakamangha sa mga abilidad na mayroon sila, sapagkat hindi mo aakalaing kaya nilang makalahok sa ibat-ibang larangan tulad ng sa larangan ng laro o musika at higit sa lahat ang maging kampiyon sa tagisan ng talino na sadyang nakakabilib talaga. Mga paratana o hinuhang nabubuo ay hindi pinapansi at hindi nagpapaapekto. Dahil sa positibong tingin nila sa buhay kaya't sila'y mas nakakaangat sa iba. Sa tingin man ng iba'y sila'y salot at walang pakinabang, hindi naman sukat akalaing dahil sa pagsisikap at tiyagang ipinamamalas nila'y mas maunlad pa sila sa mga normal na tao. Kanilang kapansana'y hindi naging balakid sa pag-abot ng kanilang bituin at hindi naging sagabal upang kanilang ipagpatuloy ang buhay na ipinagkaloob sa kanila. Sila'y hindi dapat maliitin datapwat sila'y dapat ipagmalaki, dahil sila ay isang larawan na puno ng pag-asa at isang inspirasyon ng mga kabataan ngayon. Sila'y isang bayani't karangalan ng ating bayan.
Noela Rosario
IV-Diamond
No comments:
Post a Comment