"Sariling interes"
Hindi naman masama sa isang tao ang magmahal dahil natural lang ito lalo na sa mga kabataan na nagdadalaga at nagbibinata.Isa kang hunghang kung hindi ka nakakadama nang pagmamahal.May maganda at hindi magandang nadudulot ang magiging "inlove" ng isang tao may iba na ginagawa itong inspirasyon upang mag-aral ng mabuti at ang iba naman ay piniperahan lang ito lalo na kapag mayaman ang iyong manliligaw.
Minsan akong umibig pero sa isang matalik na kaibigan pa na habang tumatagal ang aming pagsasamahan ay lalo akong napapahulog sa kanya.Dumating ang araw na nalaman kong may iba pa la syang minamahal.ako ay nasaktan ng sobra-sobra pinilat kong sabihin sa kanya ang aking nararamdaman pero sa bawat makasama ko siya lagi nyang sinasabi sa akin na ako daw ay "tunay niyang kaibigan".
Sabi nang iba "Kapag mahal mo ipaglaban mo!".Pero hindi ko ito maipaglaban dahil takot akong iwan at layuan nya.Aking tatanggapi ang katotohananna hindi ako maaaring mahalin higit pa sa isang matalik na kaibigan.Wala man akong magawa kundi ang magparay at itago sa aking sarili ang aking nararamdaman para sa kanya.
Liarose P. Cabresa IV-Diamond
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment