Tuesday, October 21, 2008

walang kinalaman

Naniniwala ka ba sa swerte? kung ako tatanungin, hindi dahil tao ang gumagawa ng sarili niyang kapalaran, siya ang humuhulma o nagtatayo ng daanan para sa sarili niyang hinaharap. Hindi mokailangan isiping "Dahil sa swerte kaya siya nagtagumpay,Dahil sa malas kaya ako hindi"
"May balat ka sa pwet ",kasabihang pinagsalin-salin sa iba't-ibang bibig. Kadalasang naririnig ito kapag minamalas ang isang tao. Hindi ko man alam ang tunay na pinanggalingan nito mananatilang hindi ko ito mapaniniwalaan. Malas daw ang mga ang mga taong hindi kagandahan ang pisikal na kaanyuan, pero kung tutuusin ilang sa kanila ay kilala tulad ni "POKWANG",sikat tulad ni "ALLAN K.", mayaman at matagumpay sa buhay.
Kakayanin ng bawat isa sa atin na magtagumpay sa sarili nating sikap. Walang kinalaman ang swerte at malas.

Renalyn Caluag
IV-Diamond

No comments: