Thursday, October 23, 2008

Dulot ng swerte



"Ang swerte ko naman!", "Bakit kaya ang malas ko ngayon". Ilan lamang yan sa mga dayalogong nauulinigan ko sa mga kapwa Pilipino. Maibubuklod sa mga kaugalian nating taglay, at mga paniniwalang halos dala natin sa pang-araw-araw na pamumuhay. Nakapaloob sa prebelehiyo at sumasakay sa ating kapalaran na siyang resulta ng ating likhang tadhana. Tadhanang magdadala sa atin ng malas o swerte. Bumubugso ang bawat paniniwala sa bawat isang naniniwala. Maraminng prebelehiyo sa buhay ang pilit isinusubo sa sarili kahit hindi tama. Ang pilitang paniwalaan ang isang pangungusap na sa bibig lamanng lumalabas na siyang sinasabing salapi narin ang katumbas.
Sa tema ng pag-ibig malaki ang bahagdan ng kamalasan at lumulubog ang swerte. Isang kamalasang maaring magdulot ng kapahamakan. Malas sa buhay sapagkat nais mong makalabas sa kahon ng karalitaan. Isa pa'y dahil sa inwan o binasted ka ng taong iyong nililigawan o minamahal. Ilan lamang yan sa pinagmumulan nng sinasabing kamalasan sa buhay. Ngunit maisasakamay ba natin ang swerte? Hindi mo kailangang manisi o magalit sa tuwing nangyayari ito sa iyo, sapagkat baka ito pa ang maging matinding dahilan o ugat ng pagkawala ng iyong tiwala hindi lamanng sa iyong sarili kundi pati sa mga bagay na mahalga sa iyo't mayroon ka ay bigla nalang maglaho.
Ang pagdating ng ay hindi inaasahan, hindi hinihintay ngunit kusang dumarating. Hindi mo kailangang mangamba sa tuwing nakakaramdam ka ng ganitong bagay dahil mayroon naman itong kaagapay na swerte, iyon nga lang hindi kailangang madaliin ang pagkamtan nito dahil kusa irong lalapit sa iyo. Malaki ang naging bahagi ng mga Tsinosa kasaysayan ng ating pamumuhay, sapagkat dahil sa kanilang impluwensya sa pagbibigay ng swerte mayroong magandang dulot ito sa ating tradisyon at kaugalian na nakakaapekto sa bawat Pilipino. Ito'y sa pamamagitan ng mga rebulto o imaheng hugis tao't minsa'y hayop na mayroong yaman o salaping nakapalibot rito na sinasabing pampaswerte, mga kulay at hugis bilog o iyong mga tinatawag na "Buddha" o mga "Lucky Charm", nngunit charm nga ba ang dala? Ilan lamang yan sa mga materyal na pampaswerteng buhat sa kanila. Mga paniniwalang halos gawin ng Panginoon, at siyang kumukontrol sa takbo ng kanilang buhay. Minsan ito'y mas matimbang kaysa sariling pamilya. Gaano man katalab ang bisa ng mag sinasabing pampaswerte, ikaw parin ang gumuguhit ng iyong kapalaran.



Noela Rosario
IV-Diamond

No comments: