Ika nga nila,"The family that prays together,stays together". Kay sarap pakinggan ngunit di madaling panindigan. mula sa aking pagsilang ,punong-puno na ako ng pangarap tulad ng isang batang paslit. Isang pangarap na tutulong sa pag-abot ng aking mithiin,ang magkaroon ng isang matatawag kong pamilya. Isang pamilyang laging nariyan at handang ilaan lahat para sa akin bilang anak. Isang pamilyang tulad ng sa amin.
Si Ina at Ama sila ang tulay at aming unang guro. Mga magulang na mayroong mabuting impluwensya sa tala ng aking buhay. Oo, mas matimbang ang libro't pahayagan,ngunit ang leksyon ng isang magulang ay hindi mapag-aaralan sa mga malalaking letra datapwat ito'y natutunan sa loob ng isang tahanan,sila ang tanging inpirasyon ko sa daloy ng aking pag-aaral, sa agos ng aking buhay, hanggang sa kamatayan. patuloy silang mamumuhay sa aking isip, sa aking puso.Aruga't pagmamahal nila'y walang katumbas ginto man o perlas. Sila ang nagsisilbing liwanag sa kadiliman , ang tanging katotohanan sa mundo ng kasinungalingan. Sila ang aming tala tungo sa magandang buhay gabay sa nais marating. Ano pa bang halaga ng buhay kung wala sila? Sila ang nagbibigay saya upang maibsan ang kalungkutan at problema. Kahit na walang salapi basta't magkasama tuloy parin ang paglalakbay. Kahit na suliranin ay dumating, tuloy parin ikot nitong mundo.
Mabubuo ba ang isang pamilya kung walang masasaya't makukulit na mga anghel? Hindi, si bunso ang aming "Apple of the eye"ang siyang pumapawi sa aming pagod. Ika nga ng mga matatanda,"Nasbibigay galak pagmura pa ang gulang,at nagbibigay ng salit ng ulo pagnagkagulang na". Kahit minsa'y nakakagalitan, pagmamahal hindi maglalaho. Mahiorap mang amining nagtatanim rin ako ng sama ng loobdahil sa hindi maibigay ang kagustuhan, iniisip ko nalang na akin ring maaangkin yan balanng araw. Ito lang aming hangarin ang makatapos ng pag-aaral at masuklian ang lahat ng sakripisyo't tiyaga, kabutihang ginawa nila Ina't Ama upang mahikayat kaming magpatuloy at pasukin ang pinto ng aming pangara, tungo sapag-unlad. Hindi man perpekto ang aming pamilya, wala namang katumbas ang pagmamahal at tiwalang ipinamamalas nito.
Noela Rosario
IV-Diamond
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment