Para sa akin ang altruism ay napakagandang halimbawa sa ating asal kasi ang altruism ito yung tumutulong ka sa iyong kapwa na walang kapalit na kahit na anong bagay.
Ito ay namamana natin sa ating magulang katulad ko wala akong hinihinging bagay kapag may pinapagawa sa akin kahit ano ay gagawin ko ng walang kapalit dahil ganito ako dahil namana ko ang ganitong ugali sa aking magulang. Ang aking magulang ay mabait, matyaga at higit sa lahat ay mapagmahal. Dahil sa kanila ay ganito ako ngayon sa mga kapwa ko.
Ang altruism ay paraan ng pagbibigayan at pagmamahal sa isa’t-isa, pagmeron ka nito ay dadami pa ang iyong mga kaibigan dahil ikaw ay mapagbigay na tao.
Melvin Lozano
IV-Diamond
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment