Maraming dahilan kung bakit hanggang ngayo'y nananatiling matatag ang kapit mo sa ating mundo. Sa paghawak mo sa iyong pangarap ay tulad ng pagsunod sa liwanag ng iyong buhay, angPoong Majykapal. Tila maraming oras,panahon at paraan ang nais mong ibitin sa iyong kamay ngunit kulang ng paninindigan. Nais mo na bang sumunod sa yapak na ikinakabig ng iyong mga bituin tungo sa direksyon ng iyong magandang kinabukasan?
Marahil ay nais mo ng pagbabago, ang makapag-isip ng malaya tulad ng nakalutang sa ulapat sumusunod sa alon ng hangin. Ang makapagpahayag ng iyong saloobin ng walang sinumang tumututol. Ang makatapos ng naturang kursong nais mo sa daloy ng iyong pag-aaral. Ang magkaroon ng isang magandang buhay at isang ulirang pamilya na magdudulot ng kasiyahan sa damdamin. Ang planong wakasan ang hindi makatarungang kahirapan na nagdadala ng pasakit at hadlang kaya't hindi makatungtong ng munting paaralan. Ngunit ang higit sa lahat ang mga pagkakamali't pagkukulang mo'y maitatama pa rin ba kung huli na ang lahat? Ang pag-sasayang mo ba ng oras ay maibabalik ba kung lagas na ang panahon? Walang sinumang makakasagot ng mga tanong mo' kundi ikaw. Marahil si kaibigan ay iyong kailangan, si Nanay at Tatay ay handang tumulong rin, ngunit ikaw ang magpapasya parin sa huli. Kaya't kabataan, gumising sa isang katotohanang ipinamalas at minsa'y kay hirap tanggapin. Imulat mo ang iyong mata't pagtuonan ng pansin ang mga pangyayari sa ating kasalukuyan at gumawa ng hakbang sa mga maaaring dumating o sumubok na mga unos.
Papayag ka bang maisan tabi na lamang ang iyong mithiin at ipagkait ang iyong karapatan? Ngayon palang ay dapat ka ng kumilos tungo sa iyong kauunlad hindi lamang sa pisikal ngunit sa aspeto ng mental,sosyal at emosyonal. Unti-unting namumulat, ang iyong kaisipan sa mga kaganapan sa iyong paligid. Huwag mong hayaan mamayani ang negatibo at hayaang lamunin ng panahon at lumayon ang positibo. Huwag mong hintaying itaboy at tuluyan ka sa bangin ng kapahamakan dahil sa mga balakid o hadlang sa buhay. Kabataan huwag kang mawalan ng pag-asa.
Noela Rosario
IV-Diamond
No comments:
Post a Comment