Wednesday, October 22, 2008

Daing


Ika nga nila "Life is unfair". Isang katagang mayroong malalim na kahulugan. Tila
nagpapahiwatig ng pagkakaiba. Isang pagkakaibang gigising sa ating mga tulog na damdamin.
Marahil tadhana na rin ang naktakda sa bawat kapalaran. Hindi mo kasalanan ang pagiging mahirap o mayaman. Ang makaangat sa iba'y, hindi isang pagyayabang. Sa takbo ng oras ay mayroong kaganapang kay hirap paniwalaan. Bakit nga ba mayroong mga taong nag-aagawan sa trono? DAhil ba sa kainggitan o karangyaan. Minsan nains ko na lang manahimik sa isang tabi at kimkimin, isiping ang kapayapaa'y bubugso rin. Dahil lamang sa estado ng buhay kaya't may namumuong alitan, isang alitang kahit sa mata ng Panginoon ay sinasabing, ngunit dapat bang ipagpatuloy ang ganitong kalagayan?
Hustisya'y nasan na nga ba? Kailan ba natin ito makakamtan? Bakit kailangang pagbayaran na iba ang sala ng iba o yumaman dahil sa daya? Ito'y hindi makatarungan. Nais wasakin ng ilan ang pader na namamagitan sa mapait na kapusukan ng kapalaran. Maraming paraan ang nais subukan ngunit may takot ang ilan. Iyan ang mga karaniwang idinaraing ng karalitaan. Kayamanan umaapak sa bawat karapatan ng minsa'y ipinagkakait ng my kapng yarihan na laging pinapaburan. Kailan ba mababago ang takbo ng buhay na kung saan lahat ay pantay-pantay hindi lamang sa mata ng Diyos pati rin sa mata ng tao at wala ng lamangan.


Noela Rosario
IV-Diamond

No comments: