Friday, October 24, 2008

Muling imulat!,,,,,

Maayos pa ba ang paggamit nang hustisya sa ating bansa?nagkakaroon ba tayo na pagkakapantay-pantay na pagtingi sa mahihirap at mayaman?nagkakaruon ba ng hustisya ang mga mamamayan sa bawat krimen na nagaganap?
Ano nga ba ang silbi ng batas kung hindi naman ito napapagana na matiwasay.dumarami na ang salot sa lipunan at patuloy na kumakalat ang ipedemyang kumikitil sa murang isipan ng tao.Ang balanse ng limbangan siyang humuhusga tila may diperensya narin.Ang mga makapangyarihan siyang nasa taas ang siyang dumudusta sa mga inosenteng nilalang mga alipin na siyang dinuduran na lamang ay sadyang nagdurusa sa bakal na kamay ng mga mayordomo nilang amo.Amg antas ng buhay ay sadyng naging sumpa.
kailan matatamo na tao ang batas na pagtingi nito?kailan mamumulat ang tao sa tunay na kaganapan ang siyang sulusyon ng nasa atin mismo at sa kooperasyon ng pamahalaan.


Renalyn Caluag IV-Diamond

Sanay maunawaan!,,,,,.

"Pamilya"

Pamilya?ano nga ba ang tunay na isang pamilya?ito ba ay nabubuo ng isang ina,anak at walang ama?matuturing pa ba itong tunay na pamilya?.
Sa panahon ngayon hindi ko na maramdaman o makita ang tunay na kahulugan ng isang pamilya dahil ang karamihan ng mag-aasawa ay naghihiwalayan sa isang problema na pwede naman itong pag-usapan nang maayos.Na kung minsan ay naaapektuhan ang kanilang mga anak at hinahayaan na lang ito na maligaw sa hindi dapat puntan ng mga kanilang mga anak.
Huwag na natin hintayin na mawala pa ang ating minamahal sa buhay at ipakita natin ang tunay na kahalagahan ng isang matatag na pamilya.


Liarose P. Cabresa IV-Diamond

makatarunga pah ba?,,,,!

habang dumadaan ang mga oras,araw,at panahon ay unti-unti na natin naiiwanan ang ating pagkabata na kung saan ay malaya tayong nakakapaglaro sa mga kaibigan at sa iba pa.
bakit kaya sa panahon ngayon ay maraming mga kabataan angnakakalat sa lansangan na naghahanap-buhay para may makakain sa pang araw-araw.Nasaan ang kanilang mga magulang na dapat sila ang may responsibilidad na ito! na dapat ang para sa mga batang minorde edad na naghahanap buhay ay pumapasok sa eskwelahan para mag-aral ng mabuti at matupad ang kani-kanilang mga pangarap sa buhay.
hahayan na lang ba natin ito?! na ang karamihan sa mga bata ngayon ay hindi nakukuha ang mga karapatan nila?,wag sana ito abusuhin ng mga kani-kanilang mga magulang na laging nakaratay na walang inatupag kundi ang kumain at matulog lang sa kani-kanilang mga bahay.


Liarose P. Cabresa IV-Diamond

"Gumagana pah ba ito?"

"hustisya"

hustisya?nasaan na nga ba ang hustisya?sa panahon ngayon pantay-pantay pa ba?.Aminin natin na hindi na natin makita kung ano pa ba ang hustisya.Paano at kailan ito nagiging tama o makatarunga.Nakakalimutan na din natin ang tunay na kahuluga nito.
Ang pagkakaroon ng panty-pantay na pagtingin sa karapatanng pantao ay masasabing hustisya ngunit natutupad pa ba ito? masakit mang isipin pero malimit na lamang ang tumitingin sa konseptong ito ng hustisya.Marami na ngayon ang ipinagpapalit ang pera kaysa sa katarungan .Ang ilan naman ay ginagamit ang kanilang kapangyarihan at koneksyon sa mga taong may kinalaman sa pagpapatupad at naglalaban para sa hustisya na dapat sila ang dapat magpapasimuno ng tapat at malinis na hustisya.
mamamayan gumising tayo!Itaguyod natin ang pagkakaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa karapatanng pantao,hindi lang ito para sa mga sarili natin,para na rin sa ikauunlad ng bayan natin.


Liarose P. Cabresa IV-Diamond

"Magparaya"!

"Sariling interes"

Hindi naman masama sa isang tao ang magmahal dahil natural lang ito lalo na sa mga kabataan na nagdadalaga at nagbibinata.Isa kang hunghang kung hindi ka nakakadama nang pagmamahal.May maganda at hindi magandang nadudulot ang magiging "inlove" ng isang tao may iba na ginagawa itong inspirasyon upang mag-aral ng mabuti at ang iba naman ay piniperahan lang ito lalo na kapag mayaman ang iyong manliligaw.
Minsan akong umibig pero sa isang matalik na kaibigan pa na habang tumatagal ang aming pagsasamahan ay lalo akong napapahulog sa kanya.Dumating ang araw na nalaman kong may iba pa la syang minamahal.ako ay nasaktan ng sobra-sobra pinilat kong sabihin sa kanya ang aking nararamdaman pero sa bawat makasama ko siya lagi nyang sinasabi sa akin na ako daw ay "tunay niyang kaibigan".
Sabi nang iba "Kapag mahal mo ipaglaban mo!".Pero hindi ko ito maipaglaban dahil takot akong iwan at layuan nya.Aking tatanggapi ang katotohananna hindi ako maaaring mahalin higit pa sa isang matalik na kaibigan.Wala man akong magawa kundi ang magparay at itago sa aking sarili ang aking nararamdaman para sa kanya.


Liarose P. Cabresa IV-Diamond

Thursday, October 23, 2008

Totoo nga ba ito?

"Malas at Suwerte"


lahat ng tao ay may kanya kanyang mga paniniwala sa mga kababalaghan na kung minsan hindi naman makatotohanan at ang iba naman ay naniniwala sa mga "malas at suwerte".
Saan ba madalas marinig o sinasabi ang mga salitang malas o suwerte?.Isa na rito ay ang pagsusugal na kapag ikaw a nanalo ay sasabihin kanila ng "Ang Suwerte mo!". pero kapag araw-araw ka na lang nagsusugal at palagi ka na lang talo ba ka ikw pa mismo ang masabi sa iyong sarili na "Ang malas ko naman!".
Para sakin hindi ako masyadong naniniwala sa malas at suwerte dahil hindi naman ito kumokontrol sa ating buhay.ikaw mismo ang magdidisisyon sa bawat galaw mo sa araw-araw maliban na lang kung talagang naniniwala ka sa katagang malas at suwerte!.


Liarose P. Cabresa IV-Diamond

SARILING INTERES

Para sakin mahalaga ang buhay ng tao,sapagkat pinagkaloob ito ng may kapal sa atin. maraming mga taong ang kumikitil ng buhay upang sila ay mabuhay at sila ay pumapatay upang mabuhay at makakain lamang sa pang araw-araw na kanilang ginagawa.marami sa kanila ang gumagawa ng masama nalululong sa masasamang bisyo..
Sa aking paglalakad bakit nga ba sa mundong ito. maraming masasama. ako tuloy napapaisip kung bakit nila ito ginagawa..
kung tayo man ay mapapasabak sa mga ganitong suliranin at mapapaharap sa sitwasyong ito wag tayong matakot kung hindi tulingan natin silang baguhin ang kanilang sarili at ang kanilang paniniwala...

KAPALARAN SA MALAS O MASUWERTE

MAraming tao ang dumidipende sa bukas ng baraha sa mabubunot na letra,sa mabubunot na numero,at mapili ang mga pangalan.Iyan ang mga hinihintay ng mga taong naghahantay ng suwerte.Ngunit maraming pagkakataon na sa halip masuwerte ang matitikman,malas ang kinababagsakan...]
Sa tuwing akoynaglalakad sa aming lugar.nagkalat na ang mga pasugalan. may madjong,digit.bingo,at iba pang pagsusugal na hinahanapan ng suwerte kaya ang aking mga mata ay manhid na..sa mga nakikitang pasugalang ito...
hindi masama ang pagsali,sa mga ito bastat ilagay lang sa tamang lugar. at wag nating idepende sa ating sarili sa mga pasugalan

"PALIMOS PO"

Maraming mga tao. ang iniwan at naulila na sa kanilang mahal sa buhay. marami din ang nawalan ng tirahan at palaboy-laboy sa daan.sa tuwing kayo ay namamasyal kasama ang ating mahal na pamilya, may mga taong bigla tayong kakalabitin at sasabihin"PALIMOS PO"
Sa tuwing akoy nakakakita ng ganung sitwasyon akooy naawa sa kanila nasasabi ko sa sarili ko na masuwerte pala ako kahit na may mga ilang kulang din. dahil kung ikukumpara ang buhay ko sa mga taong pulubi,ay may ibang -iba, masuwerte tayo dahil tatlo beses tayong kumain ba sa isang araw na hindi bagagawang ng mga taong sa lansangan..
Pag tayo nakikita ng sitwasyon wag nating ipakita sa kanila ang kaunting baryang kanilang hinihingi dahil sa simpleng baryangiot.panibagong pagkain nanaman ang kanilang natitikman

Kapansana'y Maipagmamalaki Rin!


Hindi normal kung sila'y bansagan, ngunit ang bansag na it'y nagbigay pakahulugan upang ipakitang mali ang imaheng nakikita ng kanilang paningin ukol sa kanila. Ang bawat isa'y mayroong nais patunayan hindi lamang pansarili kundi pati rin sa iba. Marami tayong nais baguhin sa daloy ng ating pamamalagi rito sa daigdig, tulad ng makalikha ng isang kasaysayan o makatala ng isang bagay na hindi makakalimutan at sadyang tatatak sa isip ng lahat.
Sila'y hindi dapat ikahiya o tawaging salot sa lipunan dahil sa sinasabing wala silang kayang gawin o silbi at pasakit na ating pasan-pasan hangga't sila'y nabubuhay. Ito'y isang maling pananaw ukol sa kanilang kalagayan,sapagkat kung atin lamang patutuonan ng atensyonang tulad nila'y malalaman nating mali ang tingin natin sa kanila. Ang pag-aakalang hindi magagawa ng isang bulag,pipi,pilay, o isang taong may kapansanan ang mga bagay na ngagawa ng isang normal na tao. Ngunit,ano nga ba ang pakinabang ng isang tulad nila sa ating lipunan?
Malaki ang potensyal sa ating bansa. Sila'y nagbibigay karangalan sa ating mahal na bayan sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang kakayahang taglay o talentong kaloob ng Maykapal. Tunay na sila'y nakakamangha sa mga abilidad na mayroon sila, sapagkat hindi mo aakalaing kaya nilang makalahok sa ibat-ibang larangan tulad ng sa larangan ng laro o musika at higit sa lahat ang maging kampiyon sa tagisan ng talino na sadyang nakakabilib talaga. Mga paratana o hinuhang nabubuo ay hindi pinapansi at hindi nagpapaapekto. Dahil sa positibong tingin nila sa buhay kaya't sila'y mas nakakaangat sa iba. Sa tingin man ng iba'y sila'y salot at walang pakinabang, hindi naman sukat akalaing dahil sa pagsisikap at tiyagang ipinamamalas nila'y mas maunlad pa sila sa mga normal na tao. Kanilang kapansana'y hindi naging balakid sa pag-abot ng kanilang bituin at hindi naging sagabal upang kanilang ipagpatuloy ang buhay na ipinagkaloob sa kanila. Sila'y hindi dapat maliitin datapwat sila'y dapat ipagmalaki, dahil sila ay isang larawan na puno ng pag-asa at isang inspirasyon ng mga kabataan ngayon. Sila'y isang bayani't karangalan ng ating bayan.



Noela Rosario
IV-Diamond

Malas ba ako o Swerte?


Ang malas o swerte ay tayo rin ang gumawaga ng ating kapalaran, hindi mo malalaman kung kalian ka magiging malas o swerte. Para sa aki ang malas o swerte ay hindi totoo kasi pagnaniwala kappa sa malas o swerte ay maniniwala ka talaga doon.
Ang malas ay dumadating lang yan pagnagmamadali ka o hinahabol mo ang oras, wag kang magmadali kita mo hindi kana mamalasin sa araw-araw na giwana mo. Kung ayaw mung maging malas ay wag kang maging tamad maging matiyaga ka ka sa buhay. Ngayon ay kailangan ng maging matiyaga para guminhawa ang buhay at wag kang magpapadala sa mga sinasabi ng matatanda na mals ka o swerte sa araw na ito.
Ang swerte ay hindi totoo dahil kung matiyaga ka ay maganda ang iyong trabaho at iyong magiging pamilya. ang malas o swerte parang isang laro yan ng buhay kung minsan malas at kung minsan ay swerte diba ganyan talaga ang buhay kung minsan nasa ibabaw kung minsan ay nasa ibaba kaya san hindi na tayo maniwala sa malas o swerte.

Melvin Lozano
IV-Diamond

Dulot ng swerte



"Ang swerte ko naman!", "Bakit kaya ang malas ko ngayon". Ilan lamang yan sa mga dayalogong nauulinigan ko sa mga kapwa Pilipino. Maibubuklod sa mga kaugalian nating taglay, at mga paniniwalang halos dala natin sa pang-araw-araw na pamumuhay. Nakapaloob sa prebelehiyo at sumasakay sa ating kapalaran na siyang resulta ng ating likhang tadhana. Tadhanang magdadala sa atin ng malas o swerte. Bumubugso ang bawat paniniwala sa bawat isang naniniwala. Maraminng prebelehiyo sa buhay ang pilit isinusubo sa sarili kahit hindi tama. Ang pilitang paniwalaan ang isang pangungusap na sa bibig lamanng lumalabas na siyang sinasabing salapi narin ang katumbas.
Sa tema ng pag-ibig malaki ang bahagdan ng kamalasan at lumulubog ang swerte. Isang kamalasang maaring magdulot ng kapahamakan. Malas sa buhay sapagkat nais mong makalabas sa kahon ng karalitaan. Isa pa'y dahil sa inwan o binasted ka ng taong iyong nililigawan o minamahal. Ilan lamang yan sa pinagmumulan nng sinasabing kamalasan sa buhay. Ngunit maisasakamay ba natin ang swerte? Hindi mo kailangang manisi o magalit sa tuwing nangyayari ito sa iyo, sapagkat baka ito pa ang maging matinding dahilan o ugat ng pagkawala ng iyong tiwala hindi lamanng sa iyong sarili kundi pati sa mga bagay na mahalga sa iyo't mayroon ka ay bigla nalang maglaho.
Ang pagdating ng ay hindi inaasahan, hindi hinihintay ngunit kusang dumarating. Hindi mo kailangang mangamba sa tuwing nakakaramdam ka ng ganitong bagay dahil mayroon naman itong kaagapay na swerte, iyon nga lang hindi kailangang madaliin ang pagkamtan nito dahil kusa irong lalapit sa iyo. Malaki ang naging bahagi ng mga Tsinosa kasaysayan ng ating pamumuhay, sapagkat dahil sa kanilang impluwensya sa pagbibigay ng swerte mayroong magandang dulot ito sa ating tradisyon at kaugalian na nakakaapekto sa bawat Pilipino. Ito'y sa pamamagitan ng mga rebulto o imaheng hugis tao't minsa'y hayop na mayroong yaman o salaping nakapalibot rito na sinasabing pampaswerte, mga kulay at hugis bilog o iyong mga tinatawag na "Buddha" o mga "Lucky Charm", nngunit charm nga ba ang dala? Ilan lamang yan sa mga materyal na pampaswerteng buhat sa kanila. Mga paniniwalang halos gawin ng Panginoon, at siyang kumukontrol sa takbo ng kanilang buhay. Minsan ito'y mas matimbang kaysa sariling pamilya. Gaano man katalab ang bisa ng mag sinasabing pampaswerte, ikaw parin ang gumuguhit ng iyong kapalaran.



Noela Rosario
IV-Diamond

Nasaaan ang Tunay na Hustisya

Ang hustisya ay paraan na kung saan ang mahihirap ay laging talunan at ang mayayaman ay palaging panalo dahil ang hustisyaay para lang sa mayaman, ang sabi nga sa kantang tatsulok “Hanggat marami ang lugmok sa kahirapan at ang hustisya ay para lang sa mayaman. Ang mayayaman ay laging tinatapak-tapakan ang mga mahihirap.
Ang hustisya ngayon ay hindi na tapat at kung sino ang may pera sila pa yung na tutulungan paano yung mga mahihirap sila na ngayong na papahamak dahil sa mayayaman dila pa yung kawawa sa mga mamamayang mayayaman.
DAhil sa panahon ngayon ang hustisya para sa mga mamamayang mahihirap ay wala nang saysay sa kanila kaya tingnan mo yung mga mayayaman sila na ngayun may sala sino yung kawawa di ba ang mahihirap. Kaian kaya magiging patas ang hustisya?.

Melvin Lozano
IV-Diamond

Wednesday, October 22, 2008

Mapagbigay na Bata

Para sa akin ang altruism ay napakagandang halimbawa sa ating asal kasi ang altruism ito yung tumutulong ka sa iyong kapwa na walang kapalit na kahit na anong bagay.
Ito ay namamana natin sa ating magulang katulad ko wala akong hinihinging bagay kapag may pinapagawa sa akin kahit ano ay gagawin ko ng walang kapalit dahil ganito ako dahil namana ko ang ganitong ugali sa aking magulang. Ang aking magulang ay mabait, matyaga at higit sa lahat ay mapagmahal. Dahil sa kanila ay ganito ako ngayon sa mga kapwa ko.
Ang altruism ay paraan ng pagbibigayan at pagmamahal sa isa’t-isa, pagmeron ka nito ay dadami pa ang iyong mga kaibigan dahil ikaw ay mapagbigay na tao.

Melvin Lozano
IV-Diamond

Huwag Kang Madamot

Ang sariling interes ito yung ginagamit mo ang isang bagay o isang tao para sa iyong kaligayahan at ginagawa mo para sayo lamang.
Para sa akin dang sariling interes ay pangit sa isang tao dahil mas maganda kung ipapamahagi mo ang mga meron ka sa mga kapus-palad nating mga kapwa tao. Huwag ka sanang madamot sa mga taong nakapalibot sayo at mga taong malalapit sayo, para sa ganun ay maging mabait ka para wala nang taong may sariling interes
May mga taong may sariling interes dahil ditto sila Masaya at ditto rin sila yumayaman katulad na lng ng mga ibang gobyerno natin sariling Interes lang nila ang kanilang gusto subalit sa ibang tao ay tinatawag nilng korapsyon, dahi dito ay madami ang nagkakaroon ng sariling interes kaya lumulubog sa utang an gating bansa dahil sa sariling interes.

Melvin Lozano
IV-Diamond

Ang Masayang Pamilya



Para sa akin ang pamilya ay isang samahan na ang nagtataguyod ay ang Ina at Ama o tinatawag na magulang. Ang ina ay tinatawag na “Ilaw ng tahanan” na ang ginagawa ng ina ay inaalagaan ang mga anak at ang kanyang asawa. Ang ama naman o tinatawag na “Haligi ng tahanan” ay siya yung nagyayaguyod ng kanyang pamilya, ang ama ang nagbibigay ng benepisyo sa kanyang mga anak at kanyang asawa.

Ang malaking pamilya ay Masaya na may halong hirap ,una nago kau ay maging masayang pamilya. Meron rin naman ng maliit na pamilya, kahit maliit ang pamilya nila masaya naman ang kanilang pagsasama kahit wala silang makakain dahil sa hirap ng buhay ngayon ay gagawin nila ang makakaya nila para hindi sila magkahiwalay.

Ang pamilyaito ay pinakamaliit na unit sa lipunan kahit na pimakamaliit sa lipunan ito naman ang tumataguyod sa ating mga kabataan, kahit may problema tayo ay pinaparating natin kung anuman ang nagging kasalanan natin sa ating mga magulang.

Melvin Lozano

IV-Diamond

Daing


Ika nga nila "Life is unfair". Isang katagang mayroong malalim na kahulugan. Tila
nagpapahiwatig ng pagkakaiba. Isang pagkakaibang gigising sa ating mga tulog na damdamin.
Marahil tadhana na rin ang naktakda sa bawat kapalaran. Hindi mo kasalanan ang pagiging mahirap o mayaman. Ang makaangat sa iba'y, hindi isang pagyayabang. Sa takbo ng oras ay mayroong kaganapang kay hirap paniwalaan. Bakit nga ba mayroong mga taong nag-aagawan sa trono? DAhil ba sa kainggitan o karangyaan. Minsan nains ko na lang manahimik sa isang tabi at kimkimin, isiping ang kapayapaa'y bubugso rin. Dahil lamang sa estado ng buhay kaya't may namumuong alitan, isang alitang kahit sa mata ng Panginoon ay sinasabing, ngunit dapat bang ipagpatuloy ang ganitong kalagayan?
Hustisya'y nasan na nga ba? Kailan ba natin ito makakamtan? Bakit kailangang pagbayaran na iba ang sala ng iba o yumaman dahil sa daya? Ito'y hindi makatarungan. Nais wasakin ng ilan ang pader na namamagitan sa mapait na kapusukan ng kapalaran. Maraming paraan ang nais subukan ngunit may takot ang ilan. Iyan ang mga karaniwang idinaraing ng karalitaan. Kayamanan umaapak sa bawat karapatan ng minsa'y ipinagkakait ng my kapng yarihan na laging pinapaburan. Kailan ba mababago ang takbo ng buhay na kung saan lahat ay pantay-pantay hindi lamang sa mata ng Diyos pati rin sa mata ng tao at wala ng lamangan.


Noela Rosario
IV-Diamond

Gumigising na Kaisipan



Maraming dahilan kung bakit hanggang ngayo'y nananatiling matatag ang kapit mo sa ating mundo. Sa paghawak mo sa iyong pangarap ay tulad ng pagsunod sa liwanag ng iyong buhay, angPoong Majykapal. Tila maraming oras,panahon at paraan ang nais mong ibitin sa iyong kamay ngunit kulang ng paninindigan. Nais mo na bang sumunod sa yapak na ikinakabig ng iyong mga bituin tungo sa direksyon ng iyong magandang kinabukasan?
Marahil ay nais mo ng pagbabago, ang makapag-isip ng malaya tulad ng nakalutang sa ulapat sumusunod sa alon ng hangin. Ang makapagpahayag ng iyong saloobin ng walang sinumang tumututol. Ang makatapos ng naturang kursong nais mo sa daloy ng iyong pag-aaral. Ang magkaroon ng isang magandang buhay at isang ulirang pamilya na magdudulot ng kasiyahan sa damdamin. Ang planong wakasan ang hindi makatarungang kahirapan na nagdadala ng pasakit at hadlang kaya't hindi makatungtong ng munting paaralan. Ngunit ang higit sa lahat ang mga pagkakamali't pagkukulang mo'y maitatama pa rin ba kung huli na ang lahat? Ang pag-sasayang mo ba ng oras ay maibabalik ba kung lagas na ang panahon? Walang sinumang makakasagot ng mga tanong mo' kundi ikaw. Marahil si kaibigan ay iyong kailangan, si Nanay at Tatay ay handang tumulong rin, ngunit ikaw ang magpapasya parin sa huli. Kaya't kabataan, gumising sa isang katotohanang ipinamalas at minsa'y kay hirap tanggapin. Imulat mo ang iyong mata't pagtuonan ng pansin ang mga pangyayari sa ating kasalukuyan at gumawa ng hakbang sa mga maaaring dumating o sumubok na mga unos.
Papayag ka bang maisan tabi na lamang ang iyong mithiin at ipagkait ang iyong karapatan? Ngayon palang ay dapat ka ng kumilos tungo sa iyong kauunlad hindi lamang sa pisikal ngunit sa aspeto ng mental,sosyal at emosyonal. Unti-unting namumulat, ang iyong kaisipan sa mga kaganapan sa iyong paligid. Huwag mong hayaan mamayani ang negatibo at hayaang lamunin ng panahon at lumayon ang positibo. Huwag mong hintaying itaboy at tuluyan ka sa bangin ng kapahamakan dahil sa mga balakid o hadlang sa buhay. Kabataan huwag kang mawalan ng pag-asa.


Noela Rosario
IV-Diamond

Kahit na Maliit

Ika nga nila,"The family that prays together,stays together". Kay sarap pakinggan ngunit di madaling panindigan. mula sa aking pagsilang ,punong-puno na ako ng pangarap tulad ng isang batang paslit. Isang pangarap na tutulong sa pag-abot ng aking mithiin,ang magkaroon ng isang matatawag kong pamilya. Isang pamilyang laging nariyan at handang ilaan lahat para sa akin bilang anak. Isang pamilyang tulad ng sa amin.
Si Ina at Ama sila ang tulay at aming unang guro. Mga magulang na mayroong mabuting impluwensya sa tala ng aking buhay. Oo, mas matimbang ang libro't pahayagan,ngunit ang leksyon ng isang magulang ay hindi mapag-aaralan sa mga malalaking letra datapwat ito'y natutunan sa loob ng isang tahanan,sila ang tanging inpirasyon ko sa daloy ng aking pag-aaral, sa agos ng aking buhay, hanggang sa kamatayan. patuloy silang mamumuhay sa aking isip, sa aking puso.Aruga't pagmamahal nila'y walang katumbas ginto man o perlas. Sila ang nagsisilbing liwanag sa kadiliman , ang tanging katotohanan sa mundo ng kasinungalingan. Sila ang aming tala tungo sa magandang buhay gabay sa nais marating. Ano pa bang halaga ng buhay kung wala sila? Sila ang nagbibigay saya upang maibsan ang kalungkutan at problema. Kahit na walang salapi basta't magkasama tuloy parin ang paglalakbay. Kahit na suliranin ay dumating, tuloy parin ikot nitong mundo.
Mabubuo ba ang isang pamilya kung walang masasaya't makukulit na mga anghel? Hindi, si bunso ang aming "Apple of the eye"ang siyang pumapawi sa aming pagod. Ika nga ng mga matatanda,"Nasbibigay galak pagmura pa ang gulang,at nagbibigay ng salit ng ulo pagnagkagulang na". Kahit minsa'y nakakagalitan, pagmamahal hindi maglalaho. Mahiorap mang amining nagtatanim rin ako ng sama ng loobdahil sa hindi maibigay ang kagustuhan, iniisip ko nalang na akin ring maaangkin yan balanng araw. Ito lang aming hangarin ang makatapos ng pag-aaral at masuklian ang lahat ng sakripisyo't tiyaga, kabutihang ginawa nila Ina't Ama upang mahikayat kaming magpatuloy at pasukin ang pinto ng aming pangara, tungo sapag-unlad. Hindi man perpekto ang aming pamilya, wala namang katumbas ang pagmamahal at tiwalang ipinamamalas nito.


Noela Rosario
IV-Diamond

Tuesday, October 21, 2008

putok sa buho

"Putok ka sa buho",galing sa mga mapanghusgang bibig ng mga walang magawa. Pinatutunguhan nila ang mga batang kung hindi ampon ay walang magulang. Pero lahat tayo ay may pinaggalingan kahit nawala man sila o nahiwalay sila sa'yo. Kahit iniwan o ipinagbili ka nila hindi matutumbasan ang halaga nila sa'yo.
May kilala akong taong galit sa kanyang mga magulang dahil daw lagi siyang sinasaktan. Halos gawin siyang katulong pero hindi natin masasabing hindi siya mahal ng kanyang pamilya dahil nananatiling sila ang nagpalaki sa kanya at sila ang humulma ng kanyang pagkatao.Mapalad pa rin siya dahil buo ang kanyang pamilya, kilala niya ang mga taong pinanggalingan niya. Ang iba diyan nagpapanggap na masaya, pero "broken family", mas mabuti pa rin nakakasama mo sila kaysa halos mamatay ka sa pangungulila sa kanila.
Sa nga taong nabibilang sa buong pamilya nawa'y matutunan nating pahalagahan ang bawat isa sa kanila. Huwag na nating hintaying mabuwag pa ang inyong pamilya bago ka gumawa ng AKSYON.


Renalyn Caluag
IV-Diamond

walang kinalaman

Naniniwala ka ba sa swerte? kung ako tatanungin, hindi dahil tao ang gumagawa ng sarili niyang kapalaran, siya ang humuhulma o nagtatayo ng daanan para sa sarili niyang hinaharap. Hindi mokailangan isiping "Dahil sa swerte kaya siya nagtagumpay,Dahil sa malas kaya ako hindi"
"May balat ka sa pwet ",kasabihang pinagsalin-salin sa iba't-ibang bibig. Kadalasang naririnig ito kapag minamalas ang isang tao. Hindi ko man alam ang tunay na pinanggalingan nito mananatilang hindi ko ito mapaniniwalaan. Malas daw ang mga ang mga taong hindi kagandahan ang pisikal na kaanyuan, pero kung tutuusin ilang sa kanila ay kilala tulad ni "POKWANG",sikat tulad ni "ALLAN K.", mayaman at matagumpay sa buhay.
Kakayanin ng bawat isa sa atin na magtagumpay sa sarili nating sikap. Walang kinalaman ang swerte at malas.

Renalyn Caluag
IV-Diamond